kanina habang nasa simbahan ako, napansin ko yung mga taong kakatapos lang magcommunion.( napansin ko dahil nakaupo ako at hindi tumanggap ng communion) tapos umandar na naman pagiging pakialamera ko, hindi ko kasi nagustuhang nakikita na habang naglalakad sila pabalik sa upuan nila ay nag-uusap na sila na may hostia sa bibig nila. yung iba naman na napansin ko, nginunguya yung hostia. ang pangit nakikita. parang bubble gum na kinakain nila. pangit.
yun naman ay mga bagay na napansin ko lang.
kaninang mga bago mag alas-10 ng gabi. tumawag sya at sinabing nasa labas daw sya ng bahay namin. aba, at nabuhay sya. di na nga ako umaasa na makikita ko sya uli eh. kahit naalala ko na kaarawan nya bukas. iniisip ko pa kung itetext ko sya para batiin. pero nagpakita na naman sya. at naulit na naman-- napangiti na naman nya ko na bisita lang naman ang ginawa nya. di naman masyadong effort yun no! pero ngumiti pa din ako. gusto ko mga pinag-usapan namin kanina. mukhang malinaw, may kahihinatnan at totoo. pero sa pag-alis nya may natuklasan ako na hindi ko ikinatuwa at nakuha ko tuloy syang itext para sabihin yun. di ko napigil. ewan ko sayo.
buti nalang at may pambawi na nangyari sakin ngayong gabi. nakausap ko sya. ang butihing lider nila. ang magaling at masipag na sya. : )
sana maulit talaga.
0 Comments:
Post a Comment
<< Home