gusto kong nalang magalit sa kanya, palitan ng inis at galit ang tuwa at kung ano man itong nararamdaman kong hindi sigurado sa kanya. para mawala nalang ang pag-asa, pagkainip at paghihintay sa wala. wala na naman kwenta sinusulat ko. hindi na naman nakakatulong sa akin itong pinaggagagawa ko. sana pagkatapos nalang ng limang taon kami muli magkita o mag-usap. sana wala nalang kaming numero ng isa't-isa. sana pareho nalang kaming mag-iba ng bahay para wala ng komunikasyon. sana pareho na din kaming walang friendster account. walang kung ano man na paraan para makapag-usap pa kami. nasabi ko na sa kanya kanina. nagsasawa na ko ng ganito. lagi nalang ganito eh. wala ng pag-asang magbago. wala naman kwenta ang pagiging magkaibigan namin. ni hindi ko alam kung magkaibigan kami. banas na banas ako, sobrang irita ako. siguro meron lang talagang tao na hindi marunong magpahalaga sa kapwa tao nya. na hindi nakakaramdam ng totoong damdamin. na pwedeng laging nagpapanggap lang na okay ang lahat sa inyo. baka nga maaring ginagamit ka lang ng taong yun eh. may kwenta pa ba sinusulat ko? baka wala na kaya tatapusin ko na to'.
gusto ko na rin namang tapusin talaga to' eh.
kung basahin mo man to', alam kong alam mong ikaw ang tinutukoy ko. nagkukunwari ka lang na hindi ka interesado.
0 Comments:
Post a Comment
<< Home