ang pamilya kahit nagkakatampuhan yan, nag-aaway paminsan-minsan, nagsisigawan, hindi magkasunduan kasi may sari-sariling opinyon mga yan, nagtatalo pero sa bandang huli kahit ano pa yang mga di pinagkasunduang bagay na yan, isa lang ang mangingibabaw sa lahat, at yun ang pagmamahal sa isa't-isa. ang pag-aaalala.
sa maraming mga araw ng lumipas sa buhay ko, ngayon ko lang naramdaman ang sobrang tindi ng emosyon mula at para sa isang kapamilya. mahirap ang malayo ika nga nya. sa tuwing sinasabi nya ang mga salitang ito, awa ang nararamdaman ko para sa kanya. awa at lungkot. iniisip na sana di nya kinailangan pang umalis. sa bawat mensaheng matatanggap ko mula sa kanya, luha ang laging nangingibabaw sa akin. hindi mapigilang pagtulo ng luha. luha ko na napapalabas lamang ng mga bagay na tungkol na sa pamilya. matigas akong tao pagdating sa ibang bagay, lalo na sa magulong buhay ng pag-ibig--di mo na ako mapapaiyak pagdating dun--tatawanan ko lang yon--pero pagdating sa pamilya--mahina ako.
kaya sa bawat sandali na kaya nyong sabihing mahal nyo ang sino mang miyembro ng inyong pamilya, gawin nyo. hindi yon nakakahiya. walang nakakahiya sa totoong nararamdaman.
pero darating din ang araw na iyon. magkakasama muli tayo, sa bagong bahay na pangarap mo. tama yan, kapatid. salamat.
walang pagsubok na di kayang lampasan basta may tiwala ka lang sa sarili, sa Kanya at sa pamilya.
2 Comments:
ur ryt..iiwanan ka ng lahat pero sarili mo pamilya hindi..
By Anonymous, at 8:43 PM
: )
i didn't get your name.
By marie, at 8:55 PM
Post a Comment
<< Home