kagabi, habang pinapatulog ko si coi pinaalala ko sa kanya na hindi pa sya nagpray. bigla nyang naalala, "mommy, totoo pala si Jesus no." tanong ko tuloy, "bakit mo naman sinabi yun?", "kasi pinag-pray ko kay Jesus na magka-wok na sana si tito kit sa dubai, tapos ayun diba nagka-work na sya." sagot nya sakin. "ang galing mommy, totoo nga si Jesus."( nakangiti nyang sinabi) pahabol nya. ang tagal tagal na kasi nya akong tinatanong kung totoo daw si Jesus at di nya maintindihan tuwing ineexplain ko dahil hindi naman daw nya nakikita.
hindi naman lahat ng bagay na hindi nakikita eh hindi totoo eh, minsan nararamdanamn lang talaga yan.
sa sinabing yun ni coi, mas tumindi at lumawak ang pag-intindi ko sa pagdating ng maraming pagsubok sa buhay. lahat ng bagay na binibigay sa atin ay may ibig sabihin, lahat ay may patutunguhan.
ang batang tulad ni coi ay may simpleng paraan ng pagaapreciate sa mga bagay na nangyayari sa kanyang paligid. hindi man nya naiintindihan paminsan-minsan pero hindi ibig sabihin na nagduda na sya lalo na kay Jesus. di man nya maliwanag na naintindihan dati kung sino si Jesus sa buhay nya pero patuloy pa rin syang nagdadasal sa kanya. at ngayon na naramdaman nya na totoo si Jesus sa buhay nya, patuloy syang maniniwala na ang mga bagay na gusto nyang mangyari sa buhay nya bilang isang bata ay mabibigyan ng sagot basta magdasal lang at magtiwala.
ang sarap maging bata.
2 Comments:
ang bright naman ni coi..
By Anonymous, at 1:15 AM
yeah, he is. and i'm very lucky. : )
thanks btw.
By marie, at 11:08 PM
Post a Comment
<< Home