mga ilang araw na din. ilang linggo pa nga yata eh. na parang walang bagong nangyayari sakin. unti-unti na yata akong naiinip. pero di pa ko sigurado dun, kung inip na nga ang nararamdaman ko. o baka naman meron na naman akong hinahanap-hanap na alam ko naman kung ano pero di ko lang maabot, di ko lang makuha, di ko man makausap, di ko man makita. pero sigurado akong alam ko kung ano yun. di ko lang maamin. di ko lang gustong aminin. mahalaga sya pero ako mahalaga ba? meron minsan naiisip ko ang napakadaming imposimbleng bagay. pero ang sarap isipin alam mo ba. ang sarap isipin nga lang. ang sarap sumulat ng tungkol dun. sana merong ilang bagay na pwedeng maging totoo kahit papano. kahit parte lang ng buong pangarap na yun. kahit konting parte lang nun.
pag minsan gusto kong maging masungit ng sobra. pag minsan naman gusto kong maging mabait ng sobra. yun bang lahat ng tao may dahilan ang pagiging ganon nila. yun bang di ko nakikitaan ng masama ang ginagawa ng tao kahit meron ngang mali sa inaasal nya. minsan gusto ko nalang di mag-isip ng negatibo. pero minsan naman parang mas masaya maging masungit na lang. yun bang di mo na lang iintindihin ang ibang tao sa paligid mo. yun bang deadma ka sa mga taong kailangan na ang tulong mo. minsan talaga, ako'y malabo. (ika nga nya, malabo daw)
0 Comments:
Post a Comment
<< Home