ang init ng panahon lalo tuloy umiinit ulo ko.
si mitch ay isang simpleng babae na alam kung ano ang gusto nya at alam ang ayaw nya. hindi sya ang tipo ng babae na pwede mong diktahan kung ano ang dapat nyang isipin, gawin at paniwalaan. may sarili syang paninindigan, di nya gusto na may nakikialam sa buhay nya. gayon din naman sya sa ibang tao, wala syang pakialam sa buhay mo at wala syang sasabihin sayo ng hindi mo hinihingi ang kanyang opinyon. sa madaling salita, may sarili syang buhay at walang makakagulo dito.
palabas sya ng pinto ng isang gusali ng merong isang lalaki na walang modong isinarang bigla ang pintong kanyang nilalabasan. natural, nasaktan si mitch. napasigaw pa nga sya ng, "ang sakit naman nun!" at ang walang kwentang lalaking yun ay tumawa pa. ni hindi man lang humingi ng pasensya. nagalit si mitch dahil sya ay nasaktan na eh pinagtawanan pa. nang sumbatan nya ang lalaki, "tama ba na tawanan pako?!", muling tumawa ang lecheng lalaking iyon. lalong uminit ang ulo ni mitch. "ah, sira pala ulo mo ano!" akma syang papatulan ng lalaki, gusto pa yata syang sipain nito. tila wala talaga sa sarili ang hayop na lalaking iyon. nag-init ng todo ang ulo ni mitch. hinarap ang lalaki. "aba, gago ka naman pala talaga ano?! gusto mo pa akong patamaan! wala ka talagang utak!" hindi gumalawa ang lalaki, hindi nya matuloy ang pagpadyak na balak nyang gawin kay mitch. humirit pa uli ang babae. "eh bobo ka pala eh, unang tingin palang sa yo, bobo na ang hitsura mo!! pare-pareho kayong mga lalaki! lahat kayo, BOBO!!!"
hindi na nakaimik ang lalaking iyon. hindi na rin sya gumalaw. wala syang nagawa. tinamaan yata sa lahat ng salitang narinig nya mula sa babae. siguro ngayon lang sya napagsabihan ng ganoon. ngayon lang nya nalaman ang kabobohan ng mga lalaking tulad nya na walang alam gawin kundi ang saktan ang damdamin ng mga babae.
marahil ay di nya matatanggap ang mga narinig nya pero mapag-iisip sya ng mga salitang ngayon lang nya narinig na diretsahang sinabi sa kanya.
iniwan na sya ni mitch. gumaan ang kanyang pakiramdam. malamang ang mga GAGO, BOBO, AT MGA WALANG UTAK na salitang binitiwan nya sa lalaking iyon ay matagal na nyang kinikimkim sa loob nya. marahil ay may gagong lalaki na minsan nang nanakit sa kanyang damdamin. at dahil sya ay isang tao na alam kung ano ang kanyang gusto at may sarili syang buhay. hindi sya papayag na tapakan sya ng paulit-ulit. ang minsan ay maari pa. pero wala ng pangalawa doon. hindi sya papatalo sa alam nyang tama.
maaring ang walang kwentang lalaking nagsara ng pintong iyon sa kanya at ang balak na sya ay tadyakan ay naging instrumento na mailabas nya ang galit sa mga lalaking walang hiyang nanaankit ng mga babae. mga lalaking walang inisip kundi ang sarili. mga taong balang-araw ay mararanasan ang tinatawag nilang karma.
huwag kang matakot kung ika'y matino.
ito ay para sa mga kaibigan kong babae na minsan na, dalawa o tatlong beses ng sinaktan ng mga bobong lalaking walang alam gawin kundi paasahin ka sa wala. mga lalaking masusubukan din ang karma.
0 Comments:
Post a Comment
<< Home