ano nga ba talaga gusto kong mangyari sa buhay ko? umabot na ako sa ganitong edad, hindi pa rin ako sigurado. basta ang alam ko, kailangan kong makatapos para sa sarili ko, para sa anak ko at siyempre para sa mga magulang ko.
wala sa plano ko ang mag-asawa. masaya ako sa pinili kong buhay. at yun ay totoo. hindi sa tutol ako sa mga taong may asawa o nasa isang relasyon. ang akin lang, masaya ako na walang nagsasabi sakin ano dapat kong gawin maliban sa tatay ko. na wala ng ibang taong iniisip na maapektuhan sa mga desisyon ko. pag committed kasi, ang hirap gumalaw. sa ayaw mo at hindi kailangan lagi kayong nagkakasundo sa mga gagawin nyo. dapat alam ng partner mo mga balak mo, mga galaw mo, pati pabango mo. hindi sa mahirap akong pakisamahan kaya lang nasubukan ko na ang ganyan. at hindi masaya. siguro nung mga panahong yon medyo natuwa pa ako sa ganon. pero nung nagkaisip na ako. aba, hindi na sya masaya.
malamang ayaw ko na lang magbuhos ng maraming panahon at emosyon at pagkatapos ay sa wala din mapupunta. bitter ba ako. hindi! takot lang. takot sa mga kaya kong gawin pag hinayaang kong makapasok ang mga komplikadong bagay gaya ng pag-ibig. sa dami na ng napagdaanan ko, kalokohan at kabaliwan. kilala ko na ang sarili ko. alam ko na pwede kong gawin. at hindi ko na hinahayaang umabot dun. minsan man na sumasablay ako at nadudulas sa iniiwasan kong "magulo at makulay na mundo ng pag-ibig", agad akong umuurong. agad kong iniisip na wala ito. na isa na naman sa mga walang kakwenta-kwentang sitwasyon. takot ako, alam ko yun. negative-thinker ako alm ko din yun. pero madalas kasi mas nakakatulong sakin pagiging ganito ko. mas maganda pag hawak mo ang sitwasyon. malamang ang iba dyan hindi sang-ayon sa akin. pero ito naman ay opinyon ko. di ko naman pinipilit sayo.
basta ngayon ang gusto ko lang ay tapusin itong degree na ito. makapagtrabaho malayo dito. sa lugar na wala akong kilala. makinig ng musika. at lalong mahulog sayo.
umuulan kanina dito pero sa lugar na mga 800meters ang layo dito, wala daw kahit patak. ang labo. pati panahon naki-ayon sa kalabuan ko.
wag ka na magreklamo. wala ka naman karapatan eh.
---------------------------------------------------------------
may funny-aliw story lang ako. actually yung brother ko(kit) pala. kit has his O-J-T in an internet cafe which is owned by his friend. he was telling me that yesterday there was this kid, aged 7 maybe, a boy, who went there to play gunbound(ahhh..addictive ba?)
boy: kuya, maglalaro po ako ha. 30mins lang po ako ha. pakilista po.
kit: oo sige.
the boy was sitting next to my brother.
boy: kuya, 30mins po ha. wag nyo po kakalimutan.
kit: oo.
boy: kuya, baka lumampas ako ha. sabihin nyo po sakin. 10pesos lang po kasi pera ko.(showing his 2 five peso coins)
ang kulit my brother thought...
after 40mins..
kit: bata, lampas ka na.
boy: ayyyy..bakit di nyo po sinabi? wala po akong pera.(looked so worried)
naawa kapatid ko..
kit: sige 1hr mo na yan. libre ko na.
boy: thank you, kuya.
nagulat ako sa kapatid ko. mabait din pala hayop na yun. kahit sa akin madalas bastos at walang galang. natuwa sya dun sa bata dahil kamukha daw ng pamangkin namin, si asi. parang nagpapa-alala kasi birthday nya kahapon.
***kahit gaano kagago ang isang tao. kahit gaano pa kabastos yan. kahit masama yan sa ibang tao. meron at merong malambot na parte ng kanyang pagkatao na hindi nya ipinapakita sa lahat.
0 Comments:
Post a Comment
<< Home