nasubukan mo na bang managinip ng tatlong araw ng sunod-sunod? ano na nga ba ang tawag don? o meron bang tawag don?
parang big deal ba sa akin ito? ngayon lang kasi ata ako nanaginip ng sunod-sunod at tandang tanda ko panaginip ko. black & white dreams ata tawag don pag naalala mo panaginip mo. colored naman pag wala ka maalalang detalye pero alam mo na may nangyaring panaginip sa pagtulog mo. may sense ba ko? palagay ko meron naman eh.
nasan na nga ba ako? ah, yun nga..simula nung isang araw, panay ang panaginip ko. nakakapanibago lang kasi. yung unang panaginip ko ginawan ko siya ng entry dito at meron naman natuwa sa ginawa ko. meron ding nalito. siguro kaya nagtuloy-tuloy ang panaginip ko para meron ako uling maisulat dito. siguro nga, malamang.
uuwi ang ate ko ngayong biyernes. naalala ko sabi ko kay mama wag nalang siyang patuluyin umuwi kung hindi rin niya magagawa ang rason kung bakit siya umuuwi. hindi sa ayaw kong makita ang ate ko, ilang buwan ko narin siyang hindi nakikita at miss ko na siya. nag-iisa lang ang kapatid kong babae no, at maniwala ka, hindi madali na ako lang ang babae ngayon dito sa bahay maliban kay mama. ang hirap kaya. kahit minsan, pagod ka na. iba kasi mag-asikaso ang babae. kahit panay ang reklamo ko, ako pa din ang gagawa. di ko rin matitiis eh. puro kasi lalaki ang kapatid na kasama ko dito. ang kuya ko at dalawang mas nakababata. na kailanma'y di ako tinawag na ate kaya halos parang magkakabarkada lang kami. kaya ayun, hindi ako ginagalang. parang hindi ako babae. one of the boys. reklamo lang.
namatay daw ang ate nang hindi pa namin nakikita. ilang araw na daw naka-burol sa quezon city kung saan sila nakatira ng pamilya nya.
tinanong ko si mama, "ma, kailan ang libing ni ate?"
si papa ang sumagot, "hindi pa alam."
nagsimula nakong umiyak. hindi alam pano sya mapupuntahan.
"paano na ang mga pamangkin ko?", "sinong nag-aasikaso sa kanila?"
patuloy ang aking pag-iyak, hanggang humagulgol na ko. di na napigil ang sarili.
sagot ni papa, "wala tayong magagawa kung yan ang dapat."
di ko matanggap ang sagot na yun. parang walang tamang sinabi ang tatay ko.
nagising ako na hinahabol ang aking hininga. pagod na pagod na tila hinahabol ako ng isang mabangis na hayop sa aking pagtulog.
mabuti na lamang at isa palang panaginip.
kung ano ang ibig sabihin, hindi ko alam. pero gusto kong malaman.
0 Comments:
Post a Comment
<< Home