ang hirap. may kinababaliwan na naman ata ako.
(sayang kagabi, dapat makakausap ko si poy eh. tanga kasi. nakalimutan kong magpalit ng sim. ayun tuloy. minalas ako.)
ngayon palang nangyari sa akin to. ang magbuhos ng madaming oras at atensyon sa taong di ko kilala. sa taong kahit sa larawan di ko pa nakikita. pero ayus naman eh.
pero bakit parang wala akong maisulat dito. dapat nga madami akong kwento. natatameme ako. tama ba yun.
meron eh. alam ko meron. lagi kasing may ngiti pag humirit na sya. laging may aliw, may init, may iba.
eto singit lang ha. sagutin ko lang. hindi hipokrito. pero di ko pa pinasok mga site na yan na sinasabi mo. hindi sa tutol ako sa mga interesado sa ganun ha. siguro may alam na lang kasi ako. kung ano man at kung ano-ano pa. pero di ko sinasabing bihasa na. napagdaanan lang. pero ngayon hindi na nagagawa. o?
dare you to move.
o kung ano man yang pumapasok sa utak mo ngayon. hindi tungkol sayo to'. tungkol ito sa akin. at sa maraming bagay na pilit kong binabago, inaalam at pinag-aaralan. mga bagay na sana'y may patutunguhan naman. di lang laging sa wala.
kung ano man ito, wish me goodluck.
sarap nyang kausap. kahit gaya ng dati isa na namang mas nakababata. di nako natuto. di madadala. di na ba. hindi sana ito tulad ng mga dating kong kwento na madaling matapos. isa, dalawa, tatlo, apat o ilang araw lang. sana maging kaibigan nga. yung may katuturan. hindi naman yung malaman basta lang may patutunguhan.
isa na naman ito sa mga, hindi maayos na taong nakilala ko pero maayos para sa akin. hindi mo maintindihan, bahala ka na.
0 Comments:
Post a Comment
<< Home